• Home
  • Travel
  • Life Style
    • Category
    • Category
    • Category
  • About
  • Contact
  • Download

Mushy Mish

facebook google twitter tumblr instagram linkedin

Nakaka-excite para sa akin ang mga bagong simula o new beginnings kung tawagin natin sa ingles. Bakit naman hindi? Ito yung point na may pagkakataon akong bitawan ang mga lumang bagay o sitwasyon sa buhay ko na sadyang kabitaw-bitaw. Habang tanaw ko ang lawak ng bagong mundo na gusto kong subukan, alam ko sa sarili ko na may pag-asa. May sayang dulot sa akin ang pagdi-desisyon na lumakad at magsimulang muli.

Yun nga lang, may pagkakataon na napakahirap ding magpasya na talikuran ang dating buhay o gawi. Kadalasan, mas nananaig ang takot o pangamba na  baka sa dulo ng pagbabago ay ipararanas muli sa atin ang masawi. Minsan din naman, napakahirap magsimula kung hindi mo alam kung paano uumpisahan ang pagbabagong gusto mong makamit. Nariyan pa yung iisipin mo kung ano yung mga piraso ng buhay mo ang pupulutin mo pa dahil karapat-dapat silang bitbitin sa iyong paglalakbay. Habang may mga bagay din naman na sadyang dapat mo nang isuko dahil unti-unti mong nari-realize na hindi sila "fit" sa pagbabagong nais mo.

Napakahirap mag-isip at mag-adjust para sa pagbabago. Sadyang ring napakahirap iwan ang ating mga comfort zone. E bakit mo nga naman iiwan ang lugar na pamilyar ka na o nakasanayan mo na? Hindi na baleng hindi ka naman sobrang masaya, o hindi ka naman sobrang malungkot. Basta so-so lang ang buhay, keri na. Yun nga lang, sa takot nating maglakbay sa unfamiliar territories, hindi natin namamalayan na lumilipas ang panahon at ang ating lakas. Hindi man tayo nai-stress dahil sa pagbabago, madalas naisusugal natin ang ating kalusugan, kasiyahan, kayamanan, oras at marami pang esensyal na bagay kahit na hindi tayo lubusang masaya. Yun bang basta maka-survive lang eh ayos na. Ang masaklap, isang araw ay mari-realize na lang natin na kapos na tayo sa oras. Sayang ang mga panahong ginugol sana natin sa pag-adjust ng ating mga layag patungo sa pagbabago - pagbabagong posible naman pero pinili nating wag harapin dahil natakot at tinamad tayo.

Hindi ko alam kung sa anong yugto ka na ng buhay mo ngayon habang binabasa mo ito. Maaaring katulad ko, nayayamot ka na sa paulit-ulit na kaganapan sa buhay mo at may takot ka nang nararamdaman kasi alam mong may dapat kang ayusin pero wala kang ginagawang paraan. Tuloy-tuloy pa naman ang paglipas ng oras, araw, buwan at taon. Pero alam mo kung anong ipnagpapasalamat ko? Yun ay ang mga pagkakataon na ibinibigay ng Diyos na magising ako na may kakayahang bumangon sa umaga, kapiling ang mga mahal ko sa buhay. Na habang may buhay ay may pag-asa.

Maraming beses kang papalpak sa iyong paglalakbay. Maraming beses kang madadapa at kailangang sumugal. Pero hindi na bale kung ilang beses kang masubsob sa lupa. Ang importante ay piliin mo palaging bumangon at lumakad. Wala ka namang choice dahil bawal sumuko, di ba? Bawat araw, piliin mo kung ano ang ipaglalaban mo at bitawan mo ang mga nagpapabigat sa bagahe mo. Lalo na yung mga sadyang pabigat lang pero wala namang maitulong! Sikapin mong ayusin ang buhay mo. At walang ibang paraan kundi baguhin ang iyong pananaw at mga gawing humahadlang sa iyong pag-asenso.

Matatapos na naman ang isang taon. Walang masama kung paplanuhin mo ang iyong new year's resolution. Pero hindi mo rin naman kailangang hintayin ang bagong taon bago gumawa ng mga resolusyon. Subukan mong umpisahan ang pagbabago sa kahit na anong araw ng taon. Kung nag-fail ka ngayong araw, wag kang matakot na sumubok ulit bukas. Kung bukas ay sawi ka pa rin, subukan mo sa susunod na araw. Kung wala pa ring nangyayari, magpatuloy ka lang sumubok. Sige lang nang sige. Pasasaan ba at mari-realize mo na parang niloloko mo na lang ang sarili mo kung puro ka plano pero walang pagkilos. Sana lang, ang realization na yan ay tutulong sayo para seryosohin ang pagbabago. Kung hirap ka, tingnan mo kung nasaan ang problema o saan ka higit na nahihirapan. Baka naman kasi hindi realistic ang listahan mo, may pre-requisite na units ang pagbabagong nais mo o sadyang tamad ka lang. Sana piliin mong maging intensyunal sa mga choices mo. Para naman balang-araw, tatanawin mo na lang ang nakaraan na may saya sa hinaharap dahil nakamit mo ang pangarap mong pagbabago at pag-unlad.

Change is coming ba? Wag mo siyang hintayin, please lang! Wag mong iasa sa ibang tao at sitwasyon ang pagkilos. Personal man yan, para sa pamilya, kapitbahay o sa iyong bansa, ikaw na ang lumapit sa pagbabago. Ikaw na ang maging agresibo. Sabihin mo, "Pagbabago... Nariyan na ako!" Ganyan dapat ang motivation!
Share
Tweet
Pin
Share
No comments

About me


Hi! Salamat sa pagbisita. Ako si Mish at shini-share ko sa blog na ito ang aking mga saloobin, mga kasalukuyang pinagkakaabalahan at mga bagay na nais kong ibahagi para magbigay inspirasyon at pag-asa sa iba.


Follow

Labels

pagbabago

recent posts

Blog Archive

  • ▼  2017 (1)
    • ▼  November (1)
      • Bagong Blog... Para sa Pagbabago
FOLLOW ME @INSTAGRAM

Created with by BeautyTemplates | Distributed by Gooyaabi Templates